SORSOGON CITY – Hindi dapat na magpakampante.
Ito ang pahayag ni Commission on Population (PopCom)-Bicol Regional Director Joyce Dela Paz-Hilvano kaugnay ng naitalang pagbaba ng bilang ng mga ipinanganak noong taong 2020 dahil sa pandemya.
Ayon dito, sa kabila ng nasabing pagbaba ay hindi dapat na magpakampante at mas dapat na paigtingin pa at seryosohin ang Family Planning program.
Aniya, kumpara kasi sa kasalukuyang sitwasyon, ang peryodo ng pagluluwag sa mga restriksyon ng COVID-19 ang mas dapat bantayan dahil posible dito ang baby boom.
Una rito, nag-aalala ang opisyal na dahil sa naitalang mababang bilang ng mga ipinanganak noong taong 2020 ay baka magpabaya ang mga mag-asawa at maging complacent na magreresulta sa muling paglobo ng bilang ng mga ipinapanganak o nanganganak, gayundin ang mga unintended pregnancy.
