Lalo pang bumagal ang reproduction number o bilis ng hawaan ng covid-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba pa sa 0.46 ang reproduction number sa Metro Manila, mas mababa kumpara sa naitala kahapon na 0.47.
Bumaba rin ang 7-day average ng covid-19 cases na naitatala sa rehiyon na nasa 1,044.

Nananatili naman sa 8 percent ang positivity rate sa NCR.
Patuloy ding sumasadsad ang healthcare utilization rate nasa 40 percent mula sa dating 47 percent habang bumaba rin sa 52 percent ang ICU occupancy rate mula sa dating 61 percent. //MHEL PACIA-TRINIDAD