Walang namo-monitor ang PAGASA na anuman sama ng panahon o LPA na maaring makaapekto sa bansa ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, Easterlies ang patuloy na makakaapekto sa bansa.
Sinabi ng ahensya na magdudulot ito ng kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.
Para naman sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa ay asahan na ang maaliwalas na panahon na may tyansa ng pulo-pulong pag-ulan dahil sa epekto ng localized thunderstorms.
Nagbabala naman ang weather bureau na posible ang pagbaha at landslides sa mga okasyon ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.
Samantala, inaasahan naman na maglalaro mula 25 hanggang 31 degrees celsius ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa.