Pagalingan sa pagtulog sa South Korea, pinagpiyestahan

Ito na yata ang isa sa pinakamasaya at pinakamasarap na kompetisyon sa mundo, ang pagtulog.

Kamakailan lang sa Yeouido Han River Park in Seoul, South, isinagawa ang isang pambihira at kakaibang patimpalak.

Iba ito sa mga nakalakihan nating mga laro na kinakailangang gising na gising ka dahil matutulog ka lang eh puwede ka nang manalo at mag-uwi ng papremyo.

Pero sa gitna ng iyong pagtulog, mayroong mga balahibo at iba pang mga kagamitan na maaring makapukaw sa inyong mga natutulog na katawan.

Suot ang kani-kanilang mga sleepwear kani-kaniyang puwesto ang mga kalahok sa venue at nagsimula nang matulog.

Samantala, gusto lang iparating ng organizer ng palarong ito ang kahalagahan ng pagpapahinga. ### KENNETH BERMIL

IMAGE: Xinhua/Yao Qilin