Arestado ang isang lalaki dahil sa pagbebenta ng nakaw na cellphone at mga powerbank aa Barangay Cawayan, Real, Quezon nitong Linggo, Mayo 19.
Batay sa report, nakatanggap umano ng impormasyon ang biktima at ang saksi patungkol sa suspek na nagbebenta ng cellphone at powerbank kung kaya agad nila itong pinuntahan.
Doon na nakita na ang binebenta ng suspek ay kumpirmadong ninakaw sa biktima noong Mayo 14 taong kasalukuyan.
Samantala, sinubukan pang tumakas ng suspek subalit nahawakan ito ng saksi at narekober ang mga ninakaw na gamit na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱33,000.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng Real Municipal Police Station ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 1612 o Anti Fencing Law of 1979.