Pag-uusap ng PH at Japan para sa reciprocal access agreement, umuusbong

Progressing ang naging pag-uusap ng Pilipinas at Japan para sa reciprocal access agreement sa pagitan ng dalawang bansa, ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Saad rin nitong posibleng magkaroon ng kasunduan ang Pilipinas sa France dahil naglalayon ang bansa na palakasin ang ugnayan ng depensa sa mga kaalyado nito, sa gitna ng mga alalahanin sa pabagu-bagong sitwasyon sa South China Sea.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Bagama’t wala pang binabalangkas na draft sa iminungkahing kasunduan sa pag-access ng militar sa France, sinabi ni Manalo na tiyak na napag-usapan na ang naturang kasunduan.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Idinagdag ng kalihim na maaring hindi kinakailangang tawaging Visiting Forces Agreement o VFA ang iminungkahing kasunduan sa France.