National budget na ibinigay ng Kongreso sa Senado, walang laman na AKAP -senadora

Inamin ni Senadora Imee Marcos na nagsisisi sila ngayon sa Senado dahil sa pagtitiwala nila na magkakaroon ng maayos na sistema sa pagpoproseso ng 2024 national expenditure.

Ayon kay Marcos, marami ang lumobo nang todo sa mga unprogrammed plans dahil sa pagsasaksak ng bilyon-bilyong piso rito matapos ang naging pagdaan nito sa Mababang Kapulungan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Dagdag pa niya, hindi naman lumabas sa version na ibinigay sa kanila ng Kongreso ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) program na nilaanan ng 26.7 bilyon dahil sa di umano’y ‘house insertion’.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Maalala, ayon sa senadora, ang ipinupunto ng mga congressman na pirma niya ay isang electronic signature lamang na ibinigay niya matapos mapasa ang budget.