Pag uulan-ulan sa Camarines Sur, ikinasaya ng nasa sektor ng agrikultura lalo na ng mga nakapagtanim na

NAGA CITY – Ikinasaya naman ng mga magsasaka at iba pang nasa sector ng agrikultura ang nangyayaring pag-uulan ulan ngayon sa Camarines Sur lalo na iyong nakapagtanim na at naghahanda na sa pagsasaka, dahil sa nababasa na ang tuyong tuyo nilang kalupaan.

Kaugnay nito,isa sa mga lokal na pamahalaan na abala na rin sa paghahanda ay ang San Fernando,na ayon kay Allan Salvador, Head ng Municipal Agriculture Office ay tuloy –tuloy din ang pamimigay nila ng ayuda sa mga magsasaka sa pamamagitan ng mga libreng abuno at libreng palay seed na pangunahing kailangan ng mga ito.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Salvador na malaking bagay ang ulan na siyang matagal ng hinihintay ng sector na ito na grabeng naapektuhan ng nangyaring El Nino Phenomenon,na maraming magsasaka ang nalugi matapos na matuyo ang kanilang lupang sinasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *