Isang Ibanian kabilang sa National Awardee ng Young Farmers Challenge

Ipinagmamalaki ng Lokal na Pamahalaan ng Iba, Zambales ang isang Ibanian matapos maging national awardee.

Ito ay sa Young Farmers Challenge Program ng Department of Agriculture dahil umano sa kanyang model plan na KWAKTUTUBO o “Kilusang Wais sa Agrikultura at Kaalaman Kasama ang mga Katutubo”.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Siya ay kinilalang si John Arex Ocampo at ang kanyang model plan ang inilahok ng Region 3 sa national.

Layon umano ng KWAKTUTUBO na isulong ang paggamit ng katutubong pamamaraan sa pag-aalaga ng mga pato at paraan ng pagagwa ng produkto mula rito.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Gayundin ang pagbibigay ng oportunidad sa mga kapatid na katutubo na pangunahan ang pangangasiwa sa mga prosesong ito.

Ang Young Farmers Challenge Program ay isang pamamaraan para mahikayat ang mga kabataan na maging bahagi ng agri-fishery enterprises sa pamamagitan ng grant assistance program.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: LGU IBA