Pag-raid at pag-ban sa mga illegal POGOs sa bansa, hindi pa rin umano sapat – senador

Muling nagpasalamat si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian sa lahat ng law enforcement agencies na tumulong sa pag-raid sa mga mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Gatchalian na hindi pa rin siya kuntento tungkol dito bagamat kinikilala niya ang sakripisyo at pagbubuwis ng buhay ng mga ito.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Anya, para sa kanya, importanteng makulong pa rin ang mga taong nasa likod nito at mapanagot sa ilalim ng batas.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Maalala, nanawagan sa naging pagdinig ngayong araw si Senador Jinggoy Estrada sa ilang law enforcement agencies na tiyakin ang paghuli kay Mayor Alice Guo sa loob lang ng isang buwan upang hindi maapektuhan ang kanilang budget.