Pag-develop sa mga cybersecurity talents, dapat umanong magsimula sa basic education

Dapat magsimula sa basic education ang pag-develop sa mga cybersecurity talents sa bansa.

Ito ang opinyon at reaksyon si Senador Sherwin Gatchalian sa pahayag kamakailan ng the Depatment of Information and Communications Technology (DICT) na plano nilang gawing short-term ang mga training programs para sa mga nagnanais maging cybersecurity experts at software engineers.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ayon kay Gatchalian, kailangang simula high school pa lamang ay magkaroon na ng trainings para sa mga nag-aambisyong pasukin ang naturang field.

Ipinunto ng Senador na ngayong naka-vulnerable ng Pilipinas sa cybercrimes, mahalaga aniyang mapunan ang kakulangan ng bansa sa mga cybersecurity talents, ito ay sa pamamagitan aniya ng pagtaas sa enrollment sa Science, Technology, Engineering and Math (STEM).

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sinabi ng mambabatas na batay raw sa datos, nasa 612,857 senior high school students lamang sa buong bansa ang naka-enrolled sa STEM strand kung saan katumbas lamang ito ng 16 percent of senior high school enrollment.

Binigyang-diin pa ng Senador na hindi lamang naman nakatuon sa pagdevelop ng mga cybersecurity talents ang pagkakaroon ng mas maagang trainings para rito, kundi marami pa namang ibang oportunidad.