Pag ba-ban ng POGO sa bansa, hindi makaka-apekto kay suspended Bamban Mayor Guo

Hindi makaka-apekto kay suspended Bamban Mayor Alice Guo ang total ban ng mga operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Depensa ng legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David, walang kaugnayan si Guo rito dahil nagpapaupa lamang ang suspendiong alkalde sa mga na-raid na POGO hubs sa Bamban, Tarlac.

Read More:  Poa declines to confirm Ramil Madriaga as defense star witness

Makakabenepisyo rin aniya ito kay Guo dahil mapapatunayan pa nito na wala talaga siyang koneksyon sa mga POGO sa bansa.

Read More:  Bong Go urges youth to spend more time in sports, less on social media

Samantala, ikinalungkot naman ni David na itutuloy pa rin ng Senado ang mga pagdinig matapos ma-traumatize ng alkalde sa mga nagdaang Senate hearings.