Pag-amin ni Ex Gov. Singson sa kanyang traffic violation, sapat na – Strike Force

Ipauubaya na ng Strike Force sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang desisyon kung kanilang tatanggapin ang P100K na pabuya na ibibigay ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson matapos mahuli at tiniketan nang dumaan ang kanyang convoy sa EDSA busway sa bahagi ng Cubao, Quezon City.

Ayon kay Gabriel Go, pinuno ng Strike Force – sapat na sa kanila ang pagpuri ni Singson sa trabaho ng MMDA at pangako nitong babayaran ang multa.

Una na ngang nag-sorry si Singson sa ginawang traffic violation at sinabing nag-overtake lamang ang kanyang convoy sa isang sasakyan at nagkataon na sakip nila ang EDSA Carousel.

Inako nitong mali ang ginawa at hindi dapat tularan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *