Ex-Ilocos Sur Gov. Singson, nag-sorry matapos dumaan sa EDSA busway

Nag-sorry si dating Ilocos Sur governor Chavit Singson matapos mahuling dumaan ang kanyang convoy sa EDSA busway.

Paliwanag ni Singson, hindi naman sinadya ang nangyari dahil nag-overtake umano ang driver at nagkataon na nasakop ang bus lane.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Dagdag pa nito, wala raw plate number ang kanyang sasakyan dahil bagong gawa lamang ito pero kumpleto naman daw sa papeles.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nagpahayag ng saludo ang dating opisyal sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at magbibigay ng P100K na reward bukod pa sa babayarang multang paglabag.