Pag-alala sa SAF 44, sinagawa kahapon ng PRO5

LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon ang pag-alala sa nasawing Special Action Force (SAF) 44 sa pangunguna ng Police Regional Office sa Camp BGen Simeon Ola, Legazpi City.

Pinangunahan ito ni PNP Bicol Acting Regional Director PBGen. Andre Perez Dizon at ni Director for Plans PMaj. Gen. Rudolph Dimas bilang guest of honor & speaker sa nasabing aktibidad.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dumalo rin ang pamilya ng anim na fallen heroes sa rehiyon.

Ayon kay Dizon, taun-taong isinasagawa ang aktibidad upang alalahanin ang mga nagsakripisyo ng buhay alang-alang sa bansa at kailanman ay hindi ito makakalimutan ng PNP.

Gayundin naman sa mga nasawing pulis sa rehiyon noong taon 2023 hanggang 2024 kung saan sila ay binaril habang sila ay nagtatrabaho.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kung babalikan, Enero 25, 2015, napatay sa anti- terrorism operation ang dayuhang teroristang si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan at Basit Usman kung saan nasawi rin ang mga pulis sa pag-atake ng mga kalaban sa Mamasapano na kabilang si SAF 44 Member S/Insp Max Jim Tria na tubong Catanduanes.