CAMARINES SUR – Isusulong ngayong taon ang muling pagbuhay sa local history at mayamang literatura sa bayan ng Goa, sa Partido Area, ito ang kinumpirma sa isang panayam ng Brigada News FM Naga kay Chairman on Committee on Tourism, Hanna Broqueza.
Ayon kay Broqueza, ang hakbang na ito ay isang paraan upang makilala ang nasabing bayan, maging ang mayamang kasaysayan, kultura at tradisyon ng mga barangay nito. Aniya isa rin itong oportunidad upang matutuhan ng kabataan ang nakatatak na kasaysayan sa bawat pangalan ng kanilang lugar, habang pinapayabong pa ang literatura at sining.
Dagdag pa ng opisyal, ngayong taon rin tutukan ng Tourism Office ang paglinang sa mga ilog partikular na sa mga upland barangay na dinarayo na rin ng mga turista.