Padilla, bumuwelta sa pasaring ni Drilon

Binigyang diin ni Senator Robinhood “Robin” Padilla na ginagawa ng mga bagong miyembro ng Senado ang kani-kanilang trabaho nang seryoso.

Sa isang pahayag, iginiit ni Padilla, hindi nagpapatawa ang Senado ngayon dahil ang minana umano nila na suliranin ng bayan mula sa mga nagdaang senador ay hindi katatawanan.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ang pahayag ng senador ay matapos na tawagin ni dating Senate President Franklin Drilon ang mga bagong miyembro ng kapulungan na umakto ng maayos, lalo na sa mga committee hearings o sesyon, kasabay ng pagpapatutsada na kulang umano ang ilang senador ng “decorum.”

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Sa gitna nito, sinabi rin ni Padilla na ang mga senador ngayon na tila maingay ay ginagawa lang ang kanilang trabaho, at hindi umano ito paglabag sa batas o sa mga panuntunan ng Senado. //MHEL PACIA