Bagong round ng balasahan sa PNP, pinaghahandaan na

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benamin Acorda ang naging serbisyo nina PNP Directorate for Logistics Director Police Major General Ronaldo Olay at PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Director Police Major Eliseo Cruz.

Sa isang pahayag, pinuri ni Acorda ang naging serbisyo ng dalawang opisyal sa loob ng ilang dekada bago nila naabot ang kanilang mandatory retirement age.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Kung maaalala, si Olay ay isa sa mga namuno noon sa Public Information Office o PNP-PIO at nagsilbing spokesperson ng PNP.

Si Cruz naman ay nagretiro sa gitna ng imbestigasyon sa kontrobersyal na cover-up sa isang toneladang shabu sa Maynila noong nakaraang taon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Siya ang namuno sa binuong special investigation task group 990.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ang bagong round ng reshuffling kung saan ay pupunan ang puwesto ng dalawang retired officials. //LGD, edited MHEL PACIA