Marcos, aminadong nakaranas ng food supply crisis ang bansa sa paguumpisa ng taon

Nangako si Pangulong Bongbong Marcos na sinisikap na ng kaniyang administrasyon na matugunan ang iba’t ibang isyu sa sektor ng agrikultura.

Ito ay makaraang aminin niya na tila nga’y nagkaroon ng krisis sa agri-sector, kabilang na ang isyu sa food supply at pagsipa sa presyo ng mga pagkain sa pag-uumpisa ng taon.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Ayon kay Marcos, batid nila ang food prices issues kaya naman mayroon na silang mga hakbang para mastabilize ito.

Aniya, bilang tumatayo ring Agriculture Secretary, magkakaroon sila ng mga structural changes para mapataas pa ang food production.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Mababatid na hanggang ngayon, ang DA nalang ang nag-iisang kagawaran na walang full-fledged secretary.

Bago ito, una nang sinabi ng pangulo na hindi niya bibitawan ang DA hangga’t hindi nagagarantiya ang food supply ng bansa. //LGD, edited MHEL PACIA