Pacquiao-Mayweather rematch?

Lumutang ang espekulasyon para sa ikalawang laban sa pagitan ni dating five-division champion Floyd Mayweather Jr. at lone eight-division champion Manny Pacquiao, matapos matalo nito si Mikuru Asakura noong Linggo sa Saitama Super Arena sa Japan.

Sa gitna nito, nagpakita si Mayweather na 45-anyos ng senyales ng kanyang pagtanda, nang matamaan ni Japanese mixed martial arts fighter sa unang bahagi ng bout.

Read More:  Carlos Yulo to lead PH Gymnastics Team at World Championships

Pero sa kabila nito, isang malinis lang na kanang suntok ang pinakawalan ni Mayweather Jr. sa round two para tapusin ang exhibition via stoppage.

Nabatid na nanood si Pacquiao at asawa nitong si Jinkee sa naturang laro, kung saan nagpost pa ang People’s Champ ng larawan nilang dalawa ni Mayweather sa Japan.

Read More:  Chicago Bulls overpower Milwaukee Bucks, cruise to 125-104 win

Matatandaan na huling nagkaharap sa ring sina Mayweather at Pacquiao noon pang 2015, kung saan nanalo ang huli sa pamamagitan ng unanimous decision na sinasabing most lucrative fight sa kasaysayan ng boxing.