CAMARINES NORTE- Walang naitalang insidente na may kaugnayan sa bagyong karding ang Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).
Batay ito sa ulat na inilabas ng Health Emergency Management Staff ng ospital nitong Lunes, September 26.
Nagsimula ang monitoring ng ospital kaugnay sa bagyo noong Sabado, September 24 kung saan nagtalaga ng standby HEMS staff sa Emergency Room para sa monitoring ng mga posibleng pasyenteng may kaugnayan sa bagyo.
Mayroon ding staff ang HEMS nan aka- assign sa OpCEN para sa monitoring at reporting sa labas ng CNPH.
Ang mga naka duty sa hapon ay pinayuhang mag straight duty habang ang acting Chief of Hospital ay nagsagawa ng pag iikot para imonitor nag sitwasyon ng ospital.
Hindi gaanong naramdaman ang epekto ng bagyong Karding sa Probinsiya na nakaranas lang ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag ulan.
Matatandaang isinailalim sa Tropical Cyclone Signal Number 3 ang Northern parts ng probinsiya habang signal No 2 naman ang nalalabing mga bayan.
