Pacquiao, haharap sa exhibition match laban kay Chihiro Suzuki

Muling magbabalik si Manny Pacquiao sa boxing ring laban kay Rizin featherweight champion Chihiro Suzuki sa Hulyo 28 sa Saitama Super Arena sa Japan.

Umaasa siya na suportahan siya ng kanyang mga taga-hanga dahil inilarawan niyang magiging maganda ang laban nila ni Suzuki.

Maalalang si Pacquiao, na may 62 wins, 8 losses, 2 draws, at 39 knockouts, ay nagretiro sa boxing matapos niyang matalo kay Yordenis Ugas noong 2021.

Sa huli, sinabi ng Filipino boxing icon na ipapaalam niya kay Suzuki na mas mahirap ang boxing kaysa sa MMA.