Carlo Aquino at Charlie Dizon, kasal na

Ginulat nila Carlo Aquino at Charlie Dizon ang lahat sa kanilang secret wedding kahapon, June 9, 2024, na ginanap sa isang private resort sa Silang, Cavite.

Ilan sa mga principal sponsors ng dalawa sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Charo Santos-Concio, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Vilma Santos-Recto, Veronique del Rosario-Corpuz, Laurenti Dyogi, Senator Bong Revilla at ang kanyang asawang si Cong. Lani Mercado.

Maid of honor naman si Sue Ramirez, habang bridesmaids ni Charlie sina Belle Mariano, Kaila Estrada at Adrian Lindayag.

Noong Pebrero, napabalitang engaged na ang dalawa, matapos makita si Charlie na may suot na singsing.

Gayunpaman, maalalang sinabi ni Carlo na wala pa silang plano magpakasal, kahit naniniwala na siyang si Charlie na ang the one.

Photo from: @myiookamoto

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *