Malaking bahagi ng bansa ang nakararanas ng higit sa normal na dami ng ulan mula pa nang nagdaang buwan ng Enero ngayong taon.
Hindi naman nakaligtas ang Bicol region sa malalakas na pag-ulan, dulot ng LPA at Tropical Depression na nasa loob at labas ng bansa.
Kalakip ng mga pag ulang ito ay ang mangilan-ilang sakit hindi lang sa mga tao, kundi pati na rin sa mga hayop.
Sa katunayan, kinumpirma ni France Colambo, Zoo Veterinarian, ng Albay Park and Wildlife, sa Brigada News FM Legazpi na dahil sa pabago-bagong kondisyon ng panahon, napansin nilang madaling nagkakasipon ang ilang mga hayop dahil sensitibo umano ang ilan sa mga ganitong panahon.
Saad pa ni Colambo, nasa maayos na pangangalaga nila ang mga hayop, hindi rin naman umano sila nagkukulang sa mga gamot at bitamina, hindi nga lang raw maiiwasan ang mga sakit dulot ng panahon.