Lalaki, sinaksak ng nakababatang kapatid sa Narra-sugatan!

Sugatan ang isang lalaki na si Hernanie Dequiña Talorong, 50 anyos matapos na saksakin ng nakababatang kapatid sa Brgy. Calategas, Narra, kaninang alas-singko y medya ng umaga.

Kinilla ang suspek na si Alvin Dequiña Talorong 44 anyos na residente rin sa Calategas, Narra.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Base sa imbestigasyon ng Narra PNP, dumalo ang magkapatid sa isang birthday party sa kanilang kapitbahay at doon sila nag-inuman bago nag-away.

Hinampas umano ni Hernanie si Alvin ng isang platic na upuan kaya inundayan siya nito ng saksak ng kutsilyo sa tiyan ng isang beses.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Agad na isinugod sa ospital ang biktima habang ang suspek ay tumakas.

Samantala, isa sa tinitingnan na dahilan ng pag-aaway ng dalawa ay tungkol sa kabuhayan nila bilang mangingisda.