Ibinigay na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan ang mga housing unit sa mga benipisyaryo.
Nitong nakalipas na February 2 ay itenurn-over ang 216 housing units ng 1Bataan Village Orion Phase 1 sa mga nasunugan sa Sitio Depensa, Brgy. Capunitan, Orion noon pang January 2019.
Pinasalamatan ni Gov. Joet Garcia ang National Housing Authority, Department of Human Settlements and Urban Development, si Sen. Bong Go, Bataan Human Settlements Office, Yunit Pamahalaang Lokal ng Orion, at Arch. Henry Mayuga na mga naging katuwang para matupad ang proyekto.
Sa pamamagitan nito ay may mas maayos nang masisilungan ang mga kwalipikadong benipisyaryo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO COURTESY: Gov. Joet Garcia
