P81.5-M na halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa War on Drugs campaign ayon sa PRO 12

KORONADAL CITY- AABOT sa P 81.5 million na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa rehiyon 12 sa loob ng anim na taon sa ilalim ng War or Drugs campaign ng Duterte administration batay sa datos sang Regional Operations Division ng Police Regional Office 12.

Ito ay kinabibilangan ng 9,600 grams ng shabu, 117, 974 grams ng marijuana at 400 grams ng cocaine na nakumpiska mula sa 10,376 anti-illegal drug operations na isinagawa ng mga otoridad.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa naturang operasyon, 10, 860 na mga drug pushers at users ang naaresto.

Nakarekober din ang mga otoridad ng 418 na iba’t ibang armas at 112 na mga pampasabog.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Samantala, umabot naman sa 42, 151 na mga drug suspects ang sumuko sa mga otoridad at 31,745 ang naisailalim sa Recovery and Wellness Program.

Inihayag ni Police Brigadier General Alexander Tagum, regional director ng PRO 12 na dahil sa war on drugs campaign, bumaba ang crime rate sa Soccsksargen.