Bilang ng mga nasawi sa COVID- 19 sa bayan ng Mercedes umabot na sa 18

CAMARINES NORTE- Umaabot na ngayon sa 18 ang death toll dahil sa COVID- 19  sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte matapos na makapagtala ng isang bagong kaso ng pagkasawi.

Batay sa COVID- 19 situational report as of October 20- 26 ng Municipal Health Office umaabot na sa kabuuang 147 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa naturang bayan makaraang makapagtala ng tatlong bagong kaso.

Sa bilang na ito, apat ang aktibong kaso kung saan tatlo ditto ay nagpapagaling sa ospital habang ang isa ay nasa COVID Ligtas Center ng LGU.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nasa 125 naman ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Sa 26 na barangay sa naturang bayan pinakamaraming kaso ang naitala sa San Roque na mayroong 28.

Isang barangay na lang ang wala pang naitatalang kaso ng sakit at ito ay ang Barangay Lanot.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Pinaka apektadong age group ang edad 31- 40.

Nakapaglaan naman ng 43 kama ang Mercedes COVID Ligtas Center at anim dito ay okupado o 14 % occupancy rate.

Patuloy naman ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ng LGU lalo na sa Mercedes Fish Port ang pinakamataong lugar sa naturang bayan.