Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbebenta ng bahay nila Daniel Padilla at Karla Estrada sa Quezon City.
Lumabas kasi ito ilang linggo lamang ang nakalipas nang ibenta ni Daniel ang kanyang kotseng Chevrolet Corvette Stingray C7.
Nagkakahalaga ang bahay ng PHP50 million.
Maalalang binili ni Daniel ang tahanan bilang isang espesyal na regalo para sa kanyang ina.
Ayon sa alegasyong kumakalat sa social media, naghihirap na ang pamilya nila Karla kaya’t ibinebenta na nila isa isa ang kanilng ari-arian.
Ngunit wala namang kompirmasyon hinggil rito at napagalaman ring matagal nang binebenta ang nasabing bahay.
