Strong Group Athletics, all-set na sa 33rd Dubai Int’l Basketball Championship

Nakarating na sa United Arab Emirates ang Strong Group Athletics team para sa 33rd Dubai International Basketball Championship.

Umaasa ang Strong Group Coach na si Charles Tiu sa suporta ng kanilang mga taga-hanga sa kanilang pagsabak sa kompetisyon.

Read More:  PLDT downs Capital1 for first PVL win

Ang kinatawan ng Pilipinas sa torneo ay magsisimula ng kanilang kampanya sa Biyernes ng gabi sa Al Nasr Club sa Dubai.

Read More:  Carlos Yulo finishes eighth in floor exercise at Artistic Gymnastics World Championships

Kabilang sa koponan ang mga dating NBA star na sina Dwight Howard at Andre Roberson, kasama sina Mckenzie Moore, at mga dating manlalaro ng Gilas Pilipinas na sina Andray Blatche, Jordan Heading, at Justine Baltazar.