Pormal nang itinurn-over ni House Speaker Martin Romualdez sa Presidential Legislative Liaison Office ang kopya ng panukala para sa P5.268Trillion na National Budget para sa susunod na taon.
Ito ay para opisyal nang i-forward ang General Appropriations Bill (GAB) sa Malacañang kung saan naman ito lalagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
Kasama ni Romualdez sa ginawang turn-over sina House Appropriations Committee chairperson Rep. Zaldy Co; Majority Leader Mannix Dalipe; at Presidential Legislative Liaison Office Secretary Dong Mendoza.
Bago ito, una nang sinabi ni Romualdez na bukas, araw ng Biyernes ay inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Marcos ang 2023 Budget.
Mamayang gabi, nakatakdang bumalik na si Marcos sa Pilipinas mula sa kanyang Brussels trip para sa ASEAN-EU Commemorative Summit.
#
