DOH, isinumite na sa COA ang mga dokumento para sa special audit sa vaccine procurement

Mabilis na tinupad ng Department of Health (DOH) ang pangako nito na kooperasyon para sa isasagawang special audit para sa pagbili ng bakuna ng Gobyerno, pati na rin ang 44 million doses ng mga COVID-19 vaccines na nasayang.

Ngayong hapon, pormal nang isinumite ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang mga kinakailangang dokumento sa tanggapan ng Commisison on Audit.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Kung maaalala, kahapon ay inimbestigahan sa Senado ang ipinataw na non-disclosure agreement (NDA) ng mga vaccine manufacturer.

Sa pagsusumite ni Vergeire ngayong hapon sa COA, muli niyang tiniyak na handa ang DOH na makipag-coordinate sa isasagawa nitong imbestigasyon sa pagbili ng bakuna.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Aniya, handa ang kanilang tanggapan na sagutin ang lahat ng mga katanungan ng COA, at kampante raw silang dumaan sa tamang proseso ang ginawang vaccine procurement ng pamahalaan.

Sa huli, tiniyak ni Vergeire na ang isyu ng NDA sa mga bakuna ay hindi makaapekto sa kanilang vaccination program lalo na’t kailangang-kailangan sa ngayon ang pagpapataas ng wall of immunity ng mga Pilipino.
#