DOJ, hinihintay na ang resulta ng NBI probe sa pagkamatay ng mga Bilibid inmates

Hinihintay pa rin ng Department of Justice (DOJ) ang magiging resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa umano’y pagpatay sa mga high-profile inmates sa loob ng New Bilibid Prison.

Kaninang umaga nang kumpirmahin ni Bureau of Corrections officer-in-charge Gregorio Catapang Jr na itinurn-over na nila sa NBI ang mga testimonya’t ilang mga ebidensya hinggil sa isiniwalat ng isang whistleblower na pinatay, at hindi namatay sa COVID-19 ang ilang mga convicted drug lords sa Bilibid.

READ MORE:

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, patuloy umano ang pangangalap ng ebidensya ng NBI hinggil sa mga naturang rebelasyon ng isang person deprived of liberty (PDL) sa loob ng corectional facility.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Sa kabila nito, aaralin pa muna umanong maigi ng NBI at ng DOJ ang mga bagong testimonya ng whistleblower bago pa man sila tuluyang mag-spekula sa mga totoong nangyari.

Sa huli, tiniyak ni Remulla na mananagot ang dapat managot sa oras na mapatunayang sinadya ang pagpatay sa mga high-profile inmates sa national penintentiary.

Umaasa naman si Catapang na sa mga susunod na araw ay mas marami pa ang mga lalantad na testigo para patibayin ang kaso.

Read More:  NBI says Senate shooting suspect was only volunteer

22 pulis, isinailalim na sa restrictive custody

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Jonnel Estomo na isinailalim na sa restrictive custody ang 22 nilang mga tauhan.

Hinggil pa rin ito sa umano’y sadyang pagpatay sa ilang mga high-profile inmate ng New Bilibid Prison at hindi dahil sa COVID-19 infection.

Ayon kay Estomo, sinibak na muna sa puwesto ang naturang mga pulsi habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ang 22 mga NCRPO officials na ito ay kabilang sa mga inirekumendang kasuhan ng murder ng NBI nitong Hulyo.
#