SORSOGON CITY – Timbog ang dalawang lalaking suspek sa serye ng nakawan sa lungsod ng Sorsogon.
Nangyari ang unang insidente sa Brgy. Buhatan ng nabanggit na lungsod, kung saan isang babaeng biktima ang ninakawan umano ng mga alahas at gamit.
Positibong itinuro ng nagsumbong na biktima mula sa rogue gallery ng himpilan ng Pulisya ang mga kawatan na sina Kevin Dolot, 35 anyos at Jason Hablado, alyas ‘Buwaya,’ 32 anyos kapwa residente ng Brgy. Sampaloc.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis, dahilan para mahuli ang mga suspek at marekober ang ilan sa mga gamit at alahas na nagkakahalagang P300K, ngunit ang iba sa mga ito ay naibenta na umano.
Natunton naman ang mag-amang sina Junie at Donna Gipa, na bumili sa nakaw na gamit na positibo ring naidentipika ng may-ari ng alahas.

Samantala, sa isang hiwalay na insidente, isang lalaki sa bayan ng San Isidro, Bacon District ang nagreport na umano’y ninakawan din.
Kinilala nito ang kaparehong naunang salarin kung kaya’t binalikan ng awtoridad ang bahay kung saan narekober ang karagdagan pang mga ebidensya, na nagkakahalaga naman ng aabot sa P100K.
Kasong Robbery ang isasampa sa mga suspek habang paglabag sa Anti-Fencing Law naman sa bumili ng nakaw na gamit.
Himas-rehas na ngayon ang mga maysala.
PHOTOS exclusive for Brigada NFM-Sorsogon
