Sabi nila, bago ka umano pumasok sa isang relasyon, lalo na kung sa oras na nagpaplano na sa isang kasalan, dapat umano, financially stable ka.
Sabi naman ng iba, hindi rin umano mahalaga kung magkano ang isang engagement ring, dahil nakaankla ito sa pagmamahal at pagsasama ninyo kung magpahanggang kalian pa man.
Ngunit, naging hati nga ang opinyon ng mga netizen dahil sa post ng isang anonymous facebook user dahil sa kaniyang nalaman na nagkakahalaga lang aniya ng P299 ang nasabing engagement ring at binili umano sa isang online shop lamang.
Ang ikinalulungkot ng naturang netizen, nasa 8 years na umano silang magkarelasyon ngunit, tila parang hindi man lang nag-ipon ang lalaki bago siya bigyan ng singsing.
Kaya naman napatanong siya sa kaniyang facebook post na mistulang ganito nga lang ba talaga ang kaniyang halaga para sa kaniya?
Sa ngayon, viral na ang naturang issue at maraming mga netizen din ang ibinabahagi ang kani-kanilang saloobin patungkol sa nasabing usapin.###WENCY LISAY