24,000 benepisyaryo ng Food Stamp Program sa Camarines Sur

NAGA CITY – Umabot sa 24,000 na individual ang benipisyaryo sa ipinatutupad na “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Camarines Sur.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay  Sheryl Lofamia, na siyang tumatayong Regional Program Coordinator ng DSWD, sinabing naging batayan ang Listahanan o sa talaan ng pinaka mahihirap, hindi ang Barangay o ang LGU ang pumili. Ganito rin ang basehan sa central office o ang 1 million bottom ng Listahanan na hindi kasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Imomonitor sila sa pamamagitan ng Nutrition Education Session buwan-buwan.

Ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng electronic benefit transfer card na naglalaman ng ₱3,000 halaga ng food credits na ibinibigay buwan-buwan. LGU ang magrerekomenda ng mga partner business establishment o mga tindahan pero daraan pa sa validation kung pasok sa kuwalipikasyon ng DSWD.

Sa ngayon sinasala na ang mga benipisyaryo at nakapag release na ng card sa Iriga City, Baao, Nabua, Sipocot , Lupi, Ragay at Canaman. 300,000 household beneficiaries ang target sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *