P1M ibibigay sa unang 20 na Barangay na may pinakamataas na vaccination rate

SORSOGON CITY – Magbibigay ang Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon ng insentibong nagkakahalaga ng P1M sa mangungunang 20 na barangay na magkakaroon ng pinakamataas na vaccination rate base sa kanilang populasyon.

Sa pahayag sa Brigada News ni Sorsogon Provincial Information Office (SPIO) head Salvador “Dong” Mendoza, sinabi nito na sinumang barangay na mauunang maabot ang target na bilang ng populasyon na mabakunahan kung hindi man 100% bago magtapos ang taon at agad na maisumite ito sa Provincial Government ay tiyak na makatatanggap ng nasabing halaga.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Samantala, sinabi ng opisyal na ang Rural Health Unit (RHU) na nakakasakop sa nasabing barangay ang magsasagawa ng assessment at magpapatunay nito.

Una rito, ang nasabing hakbang ay nakapaloob sa Section 11 ng Executive Order No. 29-2021 na inilabas ng Provincial Government.