P1B halaga ng shabu narekober sa isang Chinese National sa Valenzuela City

Aabot sa 160 kilos o katumbas ng P1.10 B ng pinaniniwalaang shabu ang narekober ng mga otoridad sa sinagawang raid ng joint police at military operation sa Brgy. Karuhatan, Valenzuela City.

Nahuli sa operasyon ang isang Chinese National na kinilala na si Tianzhu Lyu at isang pinay na si Meliza Villanueva mula sa Tarlac.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ayon sa sa pinalabas na pahayag ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang nasabing operasyon ang may kinalaman sa nauna ng operasyon noong nakaraang linggo sa bulacan na kung saan narekober ang aabot sa 60 kilos na illegal na droga.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Aniya, matagal na ang mga ito na isinasailalim sa monitoring sa malawakang pagbebenta ng pinagbabawal na gamot.

Samantalang inihahanda na rin ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.