199 na Pinoy mula Ukraine maituturing nang ‘out of harm’s way’ ayon sa DFA

Inihayag ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maituturing nang “out of harm’s way” o malayo na sa kapahamakan ang nasa 199 na Pilipinong inilikas mula sa Ukraine.

Sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na nasa 63 Pilipino na ang nakauwi sa Pilipinas, habang 136 ang naihatid sa ibang mga bansa sa Europa.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Gayunpaman, sinabi ni Arriola na ilang mga Filipino seafarer ay stranded pa rin habang ang mga household service worker at mga babaeng Filipino na kasal sa mga lalaking Ukranian ay nananatili pa rin sa Ukraine.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon sa opisyal ng DFA, anim na Pilipino ang inilikas sa Poland, 33 sa Moldova, 73 sa Romania, siyam sa Austria, at 15 sa Hungary.

Patuloy naman umaapela ang DFA sa mga naiwan pang Pinoy sa Ukraine na lisanin na ang lugar upang maka-iwas sa peligro.