SORSOGON CITY – Umabot sa mahigit P16M ang naibigay na tulong ng Phil. Coconut Authority (PCA)-Sorsogon sa mga magniniyog sa lalawigan sa kasagsagan ng pandemya noong nakaraang taon.
Ayon sa pinuno ng PCA-Sorsogon na si Joel Valenzuela, katumbas ang nasabing halaga ng 3,362 na vouchers na kanilang naipamahagi sa mga benepisyaryo.
Ito umano ay nagkakahalaga ng P5K na hinati sa cash assistance at food assistance kabilang na ang manok, mga itlog at bigas, ito ay bukod pa sa naipamahagi na mga kalabaw, kambing, free range chicken sa ilang bayan noong Disyembre na may kasamang feeds para sa tatlong buwan na konsumo.
Kinumpirma din ng opisyal na ang lalawigan ang nanguna sa validation ng mga coconut farmers sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS).
Sa kasalukuyan, ay patuloy ang kanilang opisina sa pagba-validate ng mga nakabinbin pang aplikasyon.
