Demand para sa nurses sa bansa, bumaba sa gitna ng pagkonti ng COVID cases – POEA

Inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na tinatayang nasa 7,000 nurses ang pinayagan para sa overseas employment ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni POEA deputy administrator Bong Plan na 100% na pagtaas ito mula sa 3,500 deployment cap noong nakaraang taon.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Ayon kay Plan, isa sa mga rason nila sa pagpapataas ng deployment cap ay dahil sa bumababang bilang ng COVID-19 infections sa bansa na nagreresulta sa low demand para sa nurses.

Dagdag ni Plan, madagdagan pa ang bilang ng lisensyadong nurses at iba pang health care workers sa hinaharap dahil sa mga gaganapin na licensure exams.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Ibinahagi naman ng POEA deputy administrator na in demand ngayon ang health workers sa mga bansang United Kingdom, Germany, United States, at Saudi Arabia.