P16B inilaan sa mga programa at proyekto ng DSWD Bicol sa rehiyon ngayong 2024

BNFM Bicol-UMABOT sa 16 billion pesos ang inilaang pondo para sa mga programa at proyekto ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Bicol para sa taong 2024.

Ang mga programa na nakalinya sa iba’t ibang mga probinsya sa Bicol ay nakasentro sa layuning ‘Bagong Pilipinas’ kagaya ng residential at nonresidential care program, suplementary feeding program, social pension program para sa mga indigent senior citizens, centenarian, assistance to individuals in crisis situation o AICS at marami pang iba.

Sa naganap na Press Conference nitong nakaraang araw, ibinida ng Regional Director na si Norman S. Laurio ang mga plano at mga accomplishment ng departamento sa pagpapaigting at pagpapayaman ng mga programa para sa mga lubos na nangangailangan. ### KENNETH BERMIL

Image: DSWD Region V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *