Drug pusher, tiklo sa drug buy-bust ops sa Sto. Domingo, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang binata na tulak ng iligal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation ng Sto. Domingo Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Bicol sa Purok 4, Brgy. San Isidro, Sto. Domingo, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jr”, 18 anyos, walang trabaho at residente ng Purok 3, Brgy. Fidel Surtida ng nasabing bayan.

Nahuli ito matapos aktuwal na makabili sakanya ang poseur buyer ng isang transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang dried marijuana leaves kapalit ang halagang P500.

Maliban dito, nakumpiska pa sakanya ang isang pirasong plastic na naglalaman ng kapareho ring item na may tinatayang timbang na 10 gramo na nagkakahalagang P1,200, kasama ang P500 na buy-bust money.

Sa ngayon, ang suspek at ang narekober na items ay hawak na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *