DFA, susuriin ang military exercise na isinagawa ng PLA sa loob ng EEZ ng Pilipinas

Susuriin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naiulat na military exercise na isinagawa ng Chinese People’s Liberation Army (PLA) Navy sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa kanyang bilateral na pagpupulong kay Hungarian Foreign Minister Péter Szijjárto, sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na gusto nilang imbestigahan nang mapayapa ang nasabing insidente upang maiwasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, hindi nagkomento si Manalo kung masasabing nakakaalarma ang mga naturang aktibidad.

Nauna nang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines ang presensya ng 22 Chinese navy vessels sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone mula June 4 hanggang 10, mas mataas sa 11 vessels monitor mula Mayo 28 hanggang June 3.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *