P165-B pondo sa ilalim ng Bayanihan 2, ibinigay na sa gov’t. agencies- Palasyo

Tiniyak ng Malacanang na nairelease na sa mga ahensya ng gobyern ang lahat ng P165 bilyong pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 law.

Ginawa ni presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag bilang tugon sa puna ni Vice President Leni Robredo na bigo ang gobyerno na magamit ang mahigit P6 bilyong halaga ng Bayanihan 2 funds na nag-expire na noong June 30.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Ayon sa kalihim, binigyan ang mga government agencies ng hanggang July 15 para mag-report muli sa Department of Budget and Management (DBM).

Nanawagan si Roque sa pangalawang pangulo na hintayin muna ang report ng mga ahensya bago magbigay ng puna.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Una nang sinabi ni Roque na ang proposed P405 bilyong Bayanihan 3 na gagamitin para sa pagbangon ng ekonomiya at matulungan ang mga mahihirap na pamilya sa gitna ng COVID-19 pandemic ay dedepende kung magagamit ang mga pondo para sa Bayanihan 1 at 2.