DOTr, dapat bigyang-parangal ang mga tauhan ng PCG na nagtaboy ng mga dayuhang barko sa WPS -Sen. Hontiveros

Hinikayat ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng parangal o commendation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na tagumpay na nakapagtaboy ng barko sa West Philippine Sea.

Ayon sa Senadora, karapat-dapat sa parangal ang mga tauhan ng Coast Guard na nagbigay ng tapang para maprotektahan ang teritoryo ng bansa.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ipinakita rin aniya ng mga Coast Guard personnel na iyon na kayang idepensa at protektahan ang teritoryo ng bansa ng hindi humahantong sa giyera.

Una nang inireport ng Coast Guard na noong Hunyo, 30 ay naitaboy ng kanilang barko na BRP Cabra ang limang barkong Tsino at limang barkong Vietnamese na nasa bahagi ng Marie Louise Bank na nasa mahigit 270 km ang layo nito mula sa El Nido, palawan.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ni-radyuhan ng BRP Cabra ang mga nasabing dayuhang barko at sinabihan na nasa loob sila ng exclusive economic zone ng Pilipinas.