P11.00 na pamasahe sa jeep , makatwiran -PISTON Camarines Sur

NAGA CITY- Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang  P11.00 na minimum na pamasahe sa regular na jeep sa lahat ng rehiyon sa bansa at epektibo ito ngayong araw Hulyo 1, 2022.

Para sa Concerned Drivers and Operators- Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (CONDOR-PISTON)- Camarines Sur makatarungan ito lalo’t mahigit P90.00 ang presyuhang bawat litro ng Diesel. Kahit kulang ang P2.00 dahil matagal na ito ihinirit, makatutulong na rin.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Joel Pillogo ng nasabing transport group, batid nilang naiintindihan naman ito ng mga pasahero, makatwiran ito dahil halos wala na silang naiuuwing kita.

Kaya naman panawagan nila sa bagong administrasyon bawasan ang buwis sa petrolyo at ibasura ang oil deregulation law. Dagdag nito kung bababa ang presyo ng petrolyo makikinabang rin ang bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *