P10K Service Recognition Incentive sa Albay, plantsado na

LEGAZPI-Plantsado na ng Sanguniang Panlalawigan ng Albay ang ibibigay na 10K Service Recognition Incentive  o SRI.

Nagsagawa agad ang SPA ng special session sa Blue Room, Provincial Capitol Building,para pag-usapan ang kwalipikado na opisyales at empleyado mula sa Provincial Government of Albay na siyang mabebenipisyuhan nito.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Mismong si Governor Al Francis C. Bichara ang humiling sa isang resolution at naaprobahan ng august body.

Kasama ang mga myembros ng SPA, ang pagkuha ng nasabing SRI sa mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno ang agad na irerelease.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kung maaalala, ito ay nakapaloob sa Presidential Administrative Order No. 45: AUTHORIZING THE GRANT OF SERVICE RECOGNITION INCENTIVE TO GOVERNMENT EMPLOYEES FOR FISCAL YEAR (FY) 2021.