Inihayag ng Unioil Petroleum Philippines na may nagbabadya na malaking increase sa presyo ng petroleum products sa unang linggo ng 2022.
Sa kanilang fuel price forecast para sa January 4 hanggang 10, 2022 trading week, sinabi ng Unioil na ang presyo sa bawat litro ng diesel ay maaring tumaas ng P2.30 hanggang P2.40.
Ang presyo naman ng gasolina ay maaring tumaas ng hanggang P1.80 hanggang P1.90 per liter.
Una nito, simula noong December 28, 2021, nagpatupad ang mga fuel firms ng price rollback na P0.20 hanggang P0.30 per liter sa gasolina at P0.65 per liter sa diesel.
Mababatid na ang year-to-date adjustments para sa 2021 ay pumapalo na sa total net increase na P17.65 per liter para sa gasolina at P14.30 per liter para naman sa diesel.
