Bikolano top notcher sa 2021 geologist licensure examination

NAGA CITY—Nagbunyi ang buong pamunuan ng Partido State University Goa Campus at ang pamilya ni Patrick Henry Garcia Ludovice matapos itong mag Top 1 sa Geologist Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng eksaminasyon ng Professional Regulation Commission si Ludovice ang nanguna na may overall rating na 82.2%.

Si Ludovice ay tubong Daraga, Albay na nag-aral sa PSU Main Campus.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Ludovice, hindi pa siya nakakapaniwala sa tagumpay, sinabi rin nitong galing siya sa pamilya ng mga medical personnel; doktor, nurses at iba pa kaya dati siyang kumuha ng kursong may kaugnayan rin sa medisina ngunit napagtanto hindi ito ang para sa kaniya. Mahilig sa natural world kung kaya kumuha ng kursong Geology. Hindi rin siya excellent student noong nasa unang taon sa PSU subalit dinala ng passion upang mag pursige.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Nakikita ng topnotcher na si Ludovice o kilala bilang si “yuki” na makakatulong siya sa pag-aaral sa kapaligiran, kalamidad at epekto nito sa rehiyong maraming bulkan at laging dinaraanan ng mga bagyo.

Kahanay niya sa mga may pinakamataas na nakuhang grado sa pagsusulit ang passer mula sa Mapua University, University of the Philippines at ang Adamson University.